Good bye makapag one piece marathon nanga ulit haha napatambay pa kasi dito athar hahahaha pero namimiss ko na mag lol huhu gusto ko na umuwi laguna malapit na kasi mawala sa free champion si ezreal baby huhu pero dahil walang laptop dito one piece one piece nalang muna ge bye tNx fH0r dHa t!m3

Nakakamiss yung dati.. Yung mga panahong bata palang ako. Yung ako lang ang prinsesa dito sa side nila dadi. Ako lang kasi ang nagiisang apo ni nanay sa side nila dadi, noon. So yung tatlo kong mga uncle sakin lang din nakatutok, pati si nanay sa akin lang. Kapag mga ganitong holy week or any off day lagi nila akonh ginagala noon, kung saan saan kami pumupunta, nagrroadtrip, tapos lahat ng gusto ko binibili nila sakin. Spoiled ika nga. Kahit nasa ibang bansa si dadi noon ang saya saya ko kasi lagi kaming umaalis, feeling ko may tatay padin ako. Nakakamiss kasi tropa tropa kami ng mga uncle ko dati. Kaya lang ngayon iba na.. Nagkaroon na sila ng sariling mga anak.. Ayon na yung tinututukan nila, malamang anak nila yon haha. Pag may mga gala sila minsan nalang ako isama.. Syempre family yon bonding nila yon bakit ako makikiepal.

Namimiss ko na yung gala ng gala. Sana nakakalakad si mami para kahit papano may kasama akong gumala or sana andito nalang sa pilipinas si dadi. HaaayZ. :(